2017 CINEMALAYA Independent Film Festival: A Throwback to the past 5 years

1Taong 2012 nang magsimula akong makapag-photo coverage sa
Cinemalaya Independent Film Festival, ang tinaguriang “Mother of All Indie
Film Festivals” sa Pilipinas. Sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kung
saan nagtitipon-tipon ang lahat na mga Direktor, Artista at manonood na
tumatangkilik sa mga Pelikula. Bago yun ay naririnig o napapanood ko
lang sa mga balita sa TV at Radyo ang tungkol sa Cinemalaya. Ilan sa
mga popular na pelikula noon at palaging pinag-uusapan at
nababanggit ay “Ang Babae sa Septic Tank” na pinagbibidahan ni Ms.
Eugene Domingo, “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” at ang “Ligo Na
U, Lapit na Me”. Indie Films ang bansag sa mga pelikulang ito, na noong
2012 ko lamang unang naintindihan ang kahulugan ng salitang Indie, o
pina-ikli mula sa salitang “Independent”. Backward pa tayo, mga taong
2004 o 2005 kung kailan una kong narinig ang salitang indie at ‘pag
naririnig ko ito, ang unang pumapasok sa isip ko ay isa itong “gay movie” o
pelikulang tumatalakay sa pag-iibigan ng parehong kasarian. Sunod sunod
kasi ang mga pelikulang ganoon ang tema noong mga panahong iyon at
tinatawag ng karamihan na ‘Indie’. Ngunit nang ipinakilala na ang mga
pelikulang una kong nabanggit, naunawaan ko na, na may mas malawak
na kahulugan pala ang salitang indie. Indie films or Independent films na
katawagan sa mga pelikulang Malaya. Malaya dahil hindi sila hawak o
pumailalim sa mga naglalakihang Film Studios, na karaniwang kilala ng
lahat na mga Pilipino dahil sila lamang ang napopromote sa Telebisyon.
2012 ako nagsimulang makapag-photo coverage, ika-Walong taon na
noon ng CInemalaya. Oo nahuli ako ng walong taon dahil kakasimula ko
pa lamang noon sa Photography. Noon ko na-diskubre na sadyang
marami pang mahuhusay at marami pa palang magagandang pelikulang
nagagawa ang mga Pilipino, hindi nga lamang masyadong na-po-
promote dahil na rin siguro sa kakulangan ng budget. Nang mapanood ko
ang mga kalahok sa Cinemalaya, Dito ako unang na-inLove sa Indie films.
Ilan sa mga kalahok sa 8th Cinemalaya Film Festival ay ang “Bwakaw” ni
Direk Jun Lana, “Kamera Obskura” ni Direk Raymond Red, “Mga Mumunting
Lihim” ni Direk Joey Reyes, “Kalayaan” ni Direk Adolf Alix Jr. at “Posas” ni Direk
Lawrence Fajardo na pawang nasa ilalim ng ‘Directors Showcase’ category
o mga pelikulang likha mula sa mga beteranong direktor. At sa ‘New
breed’ category naman ay ang “Intoy Syokoy ng Kalye Marino” ni Direk
Lemuel Lorca, “The Animals” ni Gino M. Santos, “Requieme” ni Direk Loy
Arcenas, “Ang Nawawala” ni direk Marie Jamora, “Aparisyon” ni direk
Vincent Sandoval, “Ang Katiwala” ni direk Aloy Adlawan, “Mga Dayo” mula
kay Julius Cena, “Sta Nina” ni direk Emmanuel Quindo Palo, “Oros” mula
kay direk Paul Sta. Ana, at ang “Diablo” mula kay direk Mes de Guzman.
Tinanghal noon na Pinaka-mahusay na Pelikula (Best Film) mula sa ‘Directors
Showcase’ category ang “POSAS” ni direk Law Fajardo, At ang “Diablo” ni
direk Mes de Guzman naman ang ginawaran bilang Pinaka-mahusay na
pelikula sa ‘New breed’ category.
Hindi sa lahat ay nabigyan ako ng pagkakataong mapanood ang mga ito sa
CCP. Mabuti na lamang, pagkalipas ng mahigit isang buwan ay
nagkaroon ng “Cinemalaya goes to U.P” at doon ko nahabol at napanood
ang ilan pa sa mga entries. Bukod sa mga Pelikulang ito na tinatawag
ding “Full length films” o mga pelikulang tumatakbo ng mahigit isa at
kalahating oras, ay mayroon ding mga “Short Films” na kalahok sa
Cinemalaya.

"Full Force" ang tema ng 8th Cinemalaya Festival kung saan literal na ipinakita ang pagkaka-isa at buong pwersa ng mga Artists mula sa iba't-ibang larangan upang makalikha ng mga dekalidad at makabuluhang pelikula. (c) Photographs by Erickson dela Cruz (i used Enrico Dc as pseudonym or alias during those times)
THE 9TH CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

Nang sumunod na taon, Taong 2013. Sinigurado ko na wala akong
makakaligtaang pelikula. Maski ang Opening Film nito na Jazz in Love,
isang documentary movie mula kay Direk Baby Ruth Villarama, na kwento
ng isang Pilipinong bading na naghihintay sa kanyang ka Long-distance
relationship mula sa bansang Germany.
CINESTHESIA: Synergy of the Senses ang tema ng ika-siyam na taon ng Cinemalaya Festival. Ibig sabihin raw nito ay mas Mature, Sensitibo at Provocative
ang tema ng bawat pelikulang kalahok. Isa na nga rito ay ang “Porno” ni
Direk Adolf Alix Jr., na natatandaan kong hindi pinayagang ipalabas sa
ibang sinehan. Tanging sa CCP lamang naipapalabas habang
nagaganap ang Festival. Ilan pa sa mga kalahok ay ang “Amor Y Muerte
ni direk Cesar Evangelista. “Liars” ni Direk Gil Portes, “Sana Dati” mula kay
Direk Jerrold Tarog, at ang “EKSTRA” ni direk Jeffrey Jeturian kung saan ang
binansagang ‘Star for all season” Ms. VILMA SANTOS ang pangunahing
aktres. Ang mga ito ay nasa ilalim ng “Directors Showcase” category.
Sa kategoryang “New breed” naman ay ang mga pelikulang
Babagwa” mula kay Jason Paul Laxamana, “Nuwebe” ni direk Joseph
Israel Laban,
Debosyon” ni direk Alvin Yapan,
Quick Change” ni direk Eduardo Roy Jr.,
David F.” ni direk Emmanuel Quindo Palo,
Rekorder” ni direk Mikhail Red,
Instant Mommy” ni direk Leo Abaya,
The Diplomat Hotel” ni direk Christopher Ad Castillo,
Purok 7” mula kay direk Carlo Obispo
at ang “Transit” mula kay direk Hannah Espia.

Sa “Short Films” category naman ay ang “Bakaw” ni Ron Segismundo, “The
Houseband’s Wife” mula kay Paulo O’Hara, “Katapusang Labok” ni Aiess
Alonso, “Missing” mula kay direk Zig Dulay, “Onang” ni direk JE Tiglao, “Para
kay Ama” ni Relyn Tan, “Pukpok” ni Joaquin Pantaleon, “Sa Wakas” ni Ma.
Veronica Santiago, “Taya” mula kay Adi Bontuyan at ang “Tutob” ni Kissza
Campano.

Tinanghal na “BEST FILM” sa ‘Directors Showcase’ full-length category ang
SANA DATI” ni direk Jerrold Tarog. “BEST FILM” mula sa ‘New Breed’ category
naman ang “TRANSIT” ni direk Hannah Espia, At “The Houseband’s Wife” ni
direk Paulo O’Hara naman ang ginawaran ng ‘BEST SHORT FILM”.

Photographs in random during the 9TH Cinemalaya Film Festival (c) Photographs by Erickson dela Cruz
THE 10TH CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

Taong 2014, Ika-sampung taon na ng CInemalaya Independent Film
Festival, at patuloy ang Malayang paglikha ng mga kakaiba, dekalidad at
may social relevance na mga pelikula.
Hustisya” mula kay direk Joel Lamangan kung saan ang pangunahing
aktres dito ay ang nag-iisang Superstar Ms “NORA AUNOR”,
Hari ng Tondo” ni direk Carlos Siguion Reyna,
Asintado” ni direk Louie Ignacio,
The Janitor” mula kay direk Mike Tuviera
at “Kasal” ni direk Joselito Altarejos ang mga full length feature films sa
‘Directors Showcase’ category.
Sa ‘New Breed’ category ay mga pelikulang “1st ko si 3rd” ni direk Real
Florido, “#Y (hashtag Y) mula kay direk Gino M. Santos, “Bwaya” ni direk
Francis Xavier Pasion, “Ronda” ni direk Nick Olanka, “Sundalong Kanin” mula
kay direk Janice O’Hara, “The Children’s Show” ni direk Derick Cabrido,
Separados” ni direk GB Sampedro, “Mariquina” ni direk Milo Soguenco,
K’na, The Dreamweaver” mula kay direk Ida Anita del Mundo at ang
Dagitab” ni direk Giancarlo Abraham V.

Sa Short Films ay ang “Asan si Lolo Me” mula kay Sari Estrada, “Eyeball” ni
direk Thop Nazareno, “Ina-Tay” mula kay Chloe Anna Veloso, “Indayog Ng
Nayatamak” ni Joris Fernandez, “Mga Ligaw na Paru-paro” mula kay direk JE
Tiglao, “LOLA” ni direk Kevin Ang, Ang “Nakakabinging Katahimikan” ni
Paolo O’Hara, “The Ordinary Things We Do” mula kay David R. Corpuz,
Padulong sa Pinuy-Anan” ni Fedwelyn Villarba Sabolboro at “Tiya Bening” mula kay Ralph Adrin Quijano.

Tinanghal na “Best Film” sa directors showcase category ang pelikulang
KASAL” ni direk Joselito Altarejos, at sa new breed category naman ay ang
BWAYA” ni direk Francis Xavier Pasion. “Best Short Film” naman ang “Asan si
Lolo Me” ni direk Sari Estrada.
Ginawaran din noon ang film maker na si Kidlat Tahimik ng “Gawad
Balanghai” special award.

Full Photo Coverage of the 10th Cinemalaya Festival. (c) Photographs by Erickson dela Cruz

Isa rin sa mga kamangha-manghang masasaksihan sa Cinemalaya Festival ay ang pagdagsa ng maraming manonood, Maaga pa lamang ay nakapila na ang ilan para siguraduhing makakabili ng tickets at makakapanood ng mga pelikula. Karamihan sa mga ito ay ang mga Kabataan, Mga estudyante o nakakapag-trabaho na sa isang kompanya.

Watch Video: CINEMALAYA 2014 – Photo Coverage from Auditions to the Awards Night 

Link: https://youtu.be/-iQra4sEkZA

THE 11TH CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

Sa ikalabing-isang taon ng CInemalaya, Taong 2015. Sa kauna-unahang
pagkakataon ay walang kalahok na ‘Full length’ feature films sa Festival.
Tanging sampung maiikling pelikula (10 short films) lamang ang opisyal na
kalahok sa naka-tradisyunan ng Film Festival.
Ito ay ang
“Pusong Bato” mula kay direk Martika Ramirez Escobar,
“Wawa” ni Angelie Mae Macalanda, “Apasol” ni Ryan Joseph Murcia,
“Papetir” ni Darwin Novicio,
“Gatilyo ng Baril” nina Eero Yves Francisco at Glenmark Doromal,
“Nenok” ni Rommel Tolentino,
“Kyel” ni Arvin Belarmino,
“Mater” ni Annemikami Pablo,
“Sanctissima” ni Kenneth Dagatan,
at ang “Lisyun qng Geografia” ni Petersen Vargas.
Ang “PUSONG BATO” ni Martika Ramirez Escobar ang ginawaran bilang “BEST
SHORT FILM”

Cinemalaya 2015 Winners-3

Cinemalaya 2015 Winners

The Winners of the 11th Cinemalaya Film Festival. (c) Photographs by Erickson dela Cruz
THE 12TH CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

Noong nakaraang taon lamang, taong 2016. Ika-Labindalawang taon na
ng Cinemalaya Independent Film Festival, muling nanumbalik ang mga
kalahok na “Full length” feature films, Ngunit hindi tulad noong mga
nakaraang taon na hinati sa dalawang kategorya. Pinag-isa na lamang
ang mga ito at binubuo ng ‘Siyam’ (9) na lamang na mga Pelilkula. Ito ay
ang mga sumusunod:
TUOS” ni direk Derick Cabrido, kung saan tampok muli rito ang Philippines’
Superstar Ms. Nora Aunor kasama ang dalagang aktres na si Barbie Forteza,
Mercury is Mine” ni direk Jason Paul Laxamana,
Ang Bagong Pamilya ni Ponching” sa direksyon nina Inna Miren Salazar at
Dos Ocampo.
Lando at Bugoy” mula kay direk Vic Acedillo Jr.,
Dagsin” ni direk Atom Magadia.,
Hiblang Abo” mula kay direk Ralston Jover,
I America” ni direk Ivan Andrew Payawal,
Kusina” nina direk David Corpuz at Cenon Palomares,
at ang
Pamilya Ordinaryo” mula kay direk Eduardo Roy Jr.

Ang mga kalahok naman sa mga Maikling Pelikula (Short Films) ay
Ang Hapon ni Nandin” ni direk Rommel Tolentino,
Ang Maangas, Ang Marikit at Ang Makata” mula kay Jose Ibarra Guballa,
Nakauwi Na” sa direksyon nina John Relano, Patrick Baleros at Luis Hidalgo,
Bugtaw” mula kay Noah del Rosario,
Mansyong Papel” ni Ogos Aznar,
Butas” mula kay Richard Cawed,
Get Certified” ni Isaias Herrera Zantua,
Fish Out of Water” mula kay Ramon Garilao,
Forever Natin” ni Cyrus Valdez,
at
Pektus” mula kay direk Isabel Quesada.

Ang “PAMILYA ORDINARYO” ni direk Eduardo Roy Jr. ang binigyang
parangal bilang Pinakamahusay na Pelikula (Best Film) sa Full Length
feature category, at ang “PEKTUS” ni Isabel Quesada naman ang “Best Short
Film”

Ang Pelikulang 1, 2, 3 directed by Carlo Obispo naman ang nagsilbing Opening Film ng Festival. Tampok dito ang mga batang actor at actress na sina Carlos Dala, Barbara Miguel at Teri Malvar.

01115402_1728292427435666_8863818072023147559_o
Collage photos from the 12th Cinemalaya Festival. (c) Photographs by Erickson dela Cruz

Watch Video: CINEMALAYA 2014 – Photo Coverage from Auditions to the Awards

Link: https://youtu.be/wzCg4k0f1Qg

THE 13TH CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

At Ngayong 2017, Sa darating na buwan ng Agosto ay Isang panibagong
set na naman ng mga pinaka-malikhain, makabuluhan, at kakaibang
mga Pelikula ang matutunghayan sa ika-LabingTatlo (13TH) taon ng
Cinemalaya Independent Film Festival; Sa Full Length feature Films ay
1. “ANG GURO KONG ‘DI MARUNONG MAGBASA
(My Teacher Who Doesn’t Know How To Read)
Directed by PERRY ESCAÑO

2. “ANG PAMILYANG HINDI LUMULUHA
(The Family Who Doesn’t Weep)
Directed by MES DE GUZMAN

3. “BACONAUA
Directed by JOSEPH ISRAEL LABAN

4. “BAGAHE” (The Baggage)
Directed by ZIG DULAY

5. “KIKO BOKSINGERO”
Directed by THOP NAZARENO

6. “ANG NABUBULOK” (The Decaying)
Directed by SONNY CALVENTO

7. “REQUITED
Directed by NERISSA PICADIZO

8. “RESPETO
Directed by TREB MONTERAS II

9. “SA GABING NANAHIMIK ANG MGA KULIGLIG” (Clouds of Plague)
Directed by IAR LIONEL ARONDAING

Screenshot_1
Official Posters of the 9 Full Length feature films of the 13th Cinemalaya.

Sa ‘SHORT FILM’ category naman ay ang mga sumusunod:
SET A
LOLA LOLENG” ni Jean Cheryl Tagyamon
SORRY FOR THE INCONVENIENCE” mula kay Carl Adrian Chavez
ISLABODAN” ni Juan Carlo Tarobal
MANONG NG PA-ALING” mula kay E Del Mundo
ALIENS ATA” ni Karl Glenn Barit
FATIMA MARIE TORRES AND THE INVASION OF SPACE SHUTTLE PINAS 25” mula
kay Carlo Francisco Manatad

Screenshot_2
Official Posters of the Short Films (Set A)

SET B
BAWOD” mula kay TM Malones
HILOM” ni P.R. Patindol
JUANA AND THE SACRED SHORES” mula kay Antonne Santiago
MARIA” mula kay JP Habac
NAKAUWI NA” nina Marvin Cabangunay at Jaynus Olaivar
at ang
NAKAW” mula kina Arvin Belarmino at Noel Escondo.

Screenshot_3
Official Posters of Short Films (Set B)

Opisyal na magbubukas ang Ika-13th Cinemalaya Festival sa Agosto 4,
ika-anim ng gabi, at ang isa sa pinakahihintay na pelikulang “BIRDSHOT” ni
direk Mikhail Red ang magsisilbing ‘Opening film’.

Birdshot_poster
Official poster of Birdshot, a film by Mikhail Red. Opening film of the 13th Cinemalaya Festival.
The Cast and Crew from Official film entries of the 13th Cinemalaya Festival. (c) Photographs by Erickson dela Cruz

 

_DSC0000

MGA NABUONG PAGKAKAIBIGAN sa CINEMALAYA

Isa sa maraming dahilan kung bakit hindi ko makakalimutan ang
Cinemalaya Film Festival at itinuturing na isang importanteng kaganapan
sa buhay ko, Sapagkat dito ay napakarami kong nakakasalamuha at
naging kaibigan. Ano man ang estado ang mahalaga ay pare-parehong
tumatangkilik at nakaka-appreciate sa mga likhang sining na
masasaksihan sa Festival na ito. Mula sa mga staff and crew, mga Direktor
at mga Aktor na nagbigay buhay sa iba’t ibang karakter sa mga Pelikula.

PANGARAP NA NATUPAD
Simula noong elementarya pa lamang ako, Pinaka-Pangarap ko na ay ang makagawa o mapasama man lang sa paggawa ng mga Pelikula. Ngayong 2017, Isang Malaking Pasasalamat sa dalawa sa mga direktor na opisyal na kalahok sa Full Length category ng 13th Cinemalaya Festival, sa pagbigay sa akin ng
pagkakataon na makapag-BTS (Behind-The-Scenes) still photography sa set ng kani-kanilang pelikula. Ito ay sina Direk Perry Escaño ng “Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa” at Nerissa Picadizo ng pelikulang “Requited“. At narito ang

ilan sa mga kuha kong Larawan:

Other Cinemalaya Categories

Bukod sa mga Kalahok na ito, Mapapanood din during the Festival ang
mga Mahuhusay na Pelikulang Naipalabas na sa iba’t-ibang Film Festival at
nahahati sa iba’t-ibang kategorya, Tulad ng FESTIVAL’S BEST kung saan
tampok dito ang
WOMEN OF THE WEEPING RIVER” (QCinema 2016 Best Picture and Gawad
Urian 2017 Best Picture) directed by Sheron Dayoc,
TU PUG IMATUY” (THE RIGHT TO KILL) (Sinag Maynila 2017 Best Picture) mula
kay Arbi Barbarona,
SUNDAY BEAUTY QUEEN” (MMFF 2016 Best Picture) ni direk Babyruth Villarama,
2 COOL 2 BE FORGOTTEN” (Cinema One Originals 2016 Best Picture) directed
by Petersen Vargas,
PAUWI NA” (Shanghai International Film Festival 2017 Best Picture) ni Paolo
Villaluna,
at
HIGH TIDE” (TOFARM Film Festival 2017 Best Picture) directed by Tara
Illenberger

Sa INDIE NATION category naman ay mapapanood ang,
“ALIPATO” ni Khavn Dela Cruz,
“BEST PARTEE EVER” mula kay Howard Yambao,
“BHOY INTSIK” ni direk Joel Lamangan,
“AREA” ni direk Louie Ignacio,
“BAKA BUKAS” mula kay Samantha Lee,
“MAESTRA” ni direk Lem Lorca,
“BLISS” ni direk Jerrold Tarog,
“TISAY” mula kay Alfonso Torre III,
“Ang Babae sa Septic Tank: Part 2” ni direk Marlon Rivera,
“KABISERA” mula kina Arturo San Agustin at Real Florido,
“VINCE & KATH & JAMES” ni direk Theodore Boborol,
“ORO” ni direk Alvin Yapan,
“DIE BEAUTIFUL” ni direk Jun Robles Lana,
“MRS.” ni direk Adolf Alix Jr.
“WHAT HOME FEELS LIKE” mula kay Joseph Abello,
“PATAY NA SI HESUS” mula kay Victor Villanueva,
at
“INSTALADO” ni Jason Paul Laxamana,

Mayroon ding category na DIGITAL CLASSICS kung saan tampok ang mga
digitally restored & remastered version ng mga Klasikong likha:
1. KASAL (1980) by Direk Laurice Guillen (written by Mario O’Hara)
Starring: Christopher De Leon, Hilda Koronel, Jay Ilagan, Gloria Romero,
Chanda Romero, Johnny Wilson

2. HIHINTAYIN KITA SA LANGIT (1991) by Carlos Siguion-Reyna
Starring: Richard Gomez and Dawn Zulueta, with Michael De Mesa, Eric
Quizon, Jackie Lou Blanco, Jose Mari Avellana, Vangie Labalan, Jomari
Yllana

3. KAKABA-KABA KA BA? (1980) by Mike de Leon
Starring Christopher De Leon, Charo Santos, Jay Ilagan, Johnny Delgado,
Sandy Andolong, Armida Siguion-Reyna

Para sa mga Karagdagang impormasyon sa 13th CInemalaya Film Festival,
Maaaring bumisita sa Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/Cinemalaya/

Acknowledgement:

Special Thanks to Kuya Mell T. Navarro of the Philippine Movie Press Club (PMPC), Sir  Ibarra Mateo of Beyond Deadlines, Ms. Jocelyn Dimaculangan of PEP.ph, Mr. Edwin Sallan of Interaksyon.com and Jonell Estillore of Cinema Bravo.

ABOUT THE AUTHOR

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s