Ang mga nakakaaliw at nagbibigay inspirasyon na mga karakter sa mga dulang kalahok sa 14th Virgin Labfest

Labor Room
J-mee Katanyag, Kiki Baento & Hariette Damole of LABOR ROOM. Photo Courtesy of Virgin Labfest / Ms. Issa Manalo Lopez.

Sa labindalawang dulang kalahok sa 14th Virgin Labfest, ilan sa mga bagong karakter na ipinakilala rito ay sadyang nakakaaliw panoorin. Sa kabila ng pagiging seryoso ng mga paksa, Mahusay na binitawan ang mga linya at inarte ang mga eksena. Ang mga karakter sa dulang “Labor Room” na isinulat ni Maki Dela Rosa at dinirek nina  Jose Estrella at Issa Manalo Lopez ay nangunguna sa mga nais kong banggitin. Tulad ng nakasaad sa titulo, ang kwento ng ‘Labor Room’ ay umiikot sa lugar paanakan. Makikilala natin ang iba’t-ibang karakter mula sa Utility staff, Nurse, Resident Doctor at ang mga babaeng manganganak. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang kuwento at mahahalagang mensahe. Sabi nga ng kaibigan kong si kuya Gilbert Guy Ferrer na kasabayan kong nanood, “Dito ay walang bida, walang ekstra. Lahat sila pantay pantay”. Ang mga mahuhusay na aktres na nagsipagganap ay sina Ms. Sherry Lara, J-mee Katanyag at Kiki Baento na kapwa mula sa PETA (Phil. Educational Theater Association), sina Hariette Damole, Skyzx Labastilla, Ina Azarcon-Bolivar naman ay nagkaroon ng mga roles sa Dulaang UP. Kasama rin sa ‘Labor Room’ sina Sheryll Ceasico, Opaline Santos at Eudes Garcia. Ang ‘Labor Room’ ay kabilang sa SET C ng Labfest at mapapanood sa natitirang playdates sa July 8 (3pm), July 12 (8pm)  and July 13 (3pm) sa CCP Little Theater.

36347786_10155705184198652_1764751209513615360_n

Marawi (pic02)
Jonathan Tad Tadioan in Marawi Musicale. Photo courtesy of The Virgin Labfest.

Ang karakter na ginampanan naman ni Jonathan Tad Tadioan sa “Marawi Musicale” ay punong puno ng pagiging positibo sa lahat ng mga bagay, sa kabila ng mga kaguluhan sa kapaligiran at pangamba dulot ng maya’t-mayang tawag mula sa kanyang kapamilya mula sa malayong lugar hatid ang hindi magandang balita tungkol sa kalusugan ng kanyang anak. Sa buong dula ay mapapangiti ka sa karakter nya kalakip pa ang mga magagandang awitin at interaksyon sa iba pang mga karakter, lalo na sa mga bata. Ang ‘Marawi Musicale’ ay kwentong isinulat ni Tyron Casumpang, sa direksyon ni Ariel Yonzon. Kasama rin dito sina Lhorvie Ann Nuevo,  Poppert Bernadas, Bayang Barrios, Tyrone Dela Cruz, James Garlando, Marlowe Concepcion, Roeder Camanag at Nazer Salcedo. Mapapanood ang ‘Marawi Musicale’ na kabilang sa SET D sa natitirang playdates: July 8 (8pm), July 10 (3pm), July 13 (8pm) and July 14 (3pm).

Marawi-Musicale-550x778

Mga Bata sa Selda 43 (pic3)
JM Canlas and Tomas Santos in “Mga Bata sa Selda 43”. Photo courtesy of The Virgin Labfest.

Hindi pahuhuli ang “Mga bata sa selda 43” na may pagka-Sci Fi ang setting. Kay huhusay ng mga batang aktor mula kay JM Canlas (as Ino) na nasa lahi na yata talaga nila ang husay sa pag-arte. Ang mga kuya nyang sina Jerom at Elijah Canlas ay nagsipagganap na rin sa iba’t-ibang roles sa Teatro, Telebisyon at Pelikula. Kasama ni JM sa selda si Tomas Santos bilang kanyang kuya Philip. Sadyang nakakaaliw ang interaksyon nila bilang magkapatid, ngunit ang best part ay ang pagpasok ng karakter na si Ed na ginampanan ni Rafa Tibayan. Ang paraan ng pagkukuwento ng ‘Mga bata sa selda 43’ ay kakaiba at bibihirang konsepto, na masasabi kong sana ay gawan ng movie version. Ito ay isinulat ni Rolin Migyuel Obina at dinirek ni Ian Segarra. Kabilang sa SET A at mapapanood sa natitirang playdates: July 10 (8pm), July 11 (3pm), July 14 (8pm) at July 15 (3pm).

Ang mga Propesyunal
Arthur Castro, Jian Tayco and Krystle Campos in “Ang mga Propesyunal”. Photo courtesy of The Virgin Labfest.

Isa pang dula tampok ang mga bata ay “Ang mga Propesyunal” na isinulat ni Sari Saysay, sa direksyon ni Direk Carlos Siguion Reyna. Kwento ng tatlong musmos na mga bata at bawat isa’y may pangarap sa kanya kanyang propesyon. Ang isa’y doctor, ang isa naman ay maging pulis at si Pia na nagnanais maging reporter or Journalist. Nagsimula ang kwento nang makapulot si Pia ng isang video recorder at pinag-agawan nilang tatlo. Ang mga batang aktor na nagsiganap dito ay sina Krystle Campos, Arthur Castro at Jian Tayco. ‘Ang mga Propesyunal’ ay mapapanood kabilang sa SET B ng Virgin Labfest, sa natitirang playdates: July 7, 11, 12, at July 15.

 

 

Sinong hindi maaaliw kapag si Ricci Chan ang sumalang sa entablado. Isang mahusay na komedyante na napapanood din natin sa pelikula at telebisyon.

VLF2018-EdgarAllanHemingway (1)
Rafa Siquion-Reyna and Ricci Chan in “Edgar Allan Hemingway”. Photo Courtesy of CCP /The Virgin Labfest.

Sa dulang “Edgar Allan Hemingway” na sinulat ni Carlo Vergara at dinirek ni George De Jesus III ay ginampanan nya ang role bilang supportive lover sa isang celebrity writer na ginampanan naman ni Rafa Siguion-Reyna. Sinamahan pa ni Guelan Luarca na kilala ring manunulat. Ang “Edgar Allan Hemingway” ay kabilang din sa SET B.

 

Amoy_Pulbos (pic02)
Bong Cabrera and Marjorie Lorico in “Amoy Pulbos ang mga Alabok sa ilalim ng Riles ng Tren”

 

Ang “Amoy Pulbos ang mga alabok sa ilalim ng Riles ng Tren” ay tampok ang kwento ng isang pamilya na hikahos sa buhay. Hindi lamang ang mga karakter ang nakakaaliw sa dulang ito kundi pati ang transition ng set design sa tulong ng ilaw, mula sa eksena sa kanilang simpleng tahanan sa ilalim ng riles ng tren hanggang sa isang magarbo at sikat na contest show sa telebisyon. Ang mga mahuhusay na aktor na nagsiganap dito ay sina Marjorie Lorico, Bong Cabrera, Paolo Rodriguez at si John Paolo Rodriguez. Isinulat ang dulang ito ni Lino Balmes at dinirek ni Tess Jamias. Kabilang ito sa VLF SET D.

Ensayo (Sherry Lara and Bembol Roco)
Veteran Actor Sir Bembol Roco with Ms. Sherry Lara in “Ensayo”. Photo courtesy of CCP / The Virgin Labfest.

Ang batikang aktor na si Bembol Roco ay sadyang kaaliwan ng bawat manonood sa dalawang dula kung saan sya kabilang. Una ay sa ROSAS (kasama sa Set B) kung saan kasama nya ang aktor na si Crispin Pineda. Isinulat ni J. Dennis Teodosio at dinirek ni Charles Yee. At pangalawa ay sa “ENSAYO” na kasama naman sa Set C, na tila mas paniguradong kakaaliwan ng lahat dahil sadyang comedy ang set up nito na isinulat ni Juan Ekis at sa direksyon ni Eric Villanueva Dela Cruz. Kasama ni Sir Bembol sa Ensayo ay si Ms. Sherry Lara na siguradong kakaaliwan din.

Sa dulang “River Lethe” —Oopps! EXIT MUNA MGA BATA!  Dahil maselan at hindi angkop sa inyo ang play na ito.

River_Lethe (pic02)
Ms. Dolly De Leon and Paolo O’Hara in “River Lethe”. Photo courtesy of the CCP / The Virgin Labfest.

Kakaibang aliw ang hatid ng “River Lethe” na isinulat ni Allan Lopez at dinirek ni Chris Martinez, sapagkat senswal at erotic ang nilalaman at takbo ng kwento nito. Napakahuhusay ng mga aktor na sina Paolo O’Hara at Dolly De Leon, at mga interpretative dance na sinayaw nina Charm Aranton, Ian Formacion at Rocky Zaballero, na pagkatapos mong mapanood ay masasabi mong ‘Sa wakas, na-deVIRGINized rin ako’ 😀

 

Pilipinas kong mahal -Anthony Falcon
Anthony Falcon in “Pilipinas kong mahal with all the Overcoat”. Photo courtesy of the CCP / The Virgin Labfest.

Sa mga hindi pa nakapanood ng “Pilipinas kong mahal with all the Overcoat“, Huwag na huwag ninyong palagpasin ang dulang ito na nauna nang naipalabas noong nakaraang taon at kabilang ngayon sa SET E (Revisited). Riot sa katatawanan ang performance ng mga aktor dito lalong lalo na ang award-winning actor na si Anthony Falcon. Kasama nya rito sina Fitz Bitana, Paul Jake Paule at Chunchi Cabasaan Jr.  Isinulat ito ni Eljay Castro Deldoc; Directed by Roobak Valle and Tuxqs Rutaquio.

Ang taunang Virgin Labfest ay kasalukuyang idinaraos sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na may temang “SILIP”. Handog ng Tanghalang Pilipino at The Writer’s Bloc Inc.

Para sa mga karagdagang impormasyon, Maaaring bisitahin ang website www.culturalcenter.gov.ph, o mag-email sa ccp.artist.training@gmail.com, Pwede ring tawagan ang numerong 832-1125 (local 1605).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s