Unang pag-SILIP sa 14th Virgin Labfest: Bayang Barrios sings for MARAWI

_DSC0057Sa unang paSILIP ng Virgin Labfest ngayong taon, Ilang makabagbag damdamin at makabayang mga awitin ang inihandog ng mang-aawit na si Bayang Barrios kasama ang Niliyagan band. Ang mga awiting ito ay may tema ng Kalayaan, Pagkaka-isa at awiting handog para sa Marawi, na siyang sentro ng isa sa mga dula na matutunghayan natin sa 14th Virgin Labfest Festival, Ang “Marawi Musicale“.

Tunghayan sa Video ang mga nasabing awitin:

 

_DSC0126
Tyron Casumpang & Ariel Yonzon.  Photographed by Erickson dela Cruz (c) 2018

Ang “Marawi Musicale” ay kabilang sa ika-labing apat na taon ng Virgin Labfest Festival na idinaraos sa Cultural Center of the Philippines at may temang ‘SILIP’. Ang ‘Marawi Musicale’ ay mula sa panulat ni Tyron Casumpang at sa ilalim ng Direksyon ni Ariel Yonzon. Orihinal na Musika mula kay Maynard De Guzman. Si Bayang Barrios ay isa rin sa mga pangunahing tauhan sa dulang ito. Kasama sina Jonathan Tadioan, Lhorvie Nuevo, Poppert Bernadas, Tyrone Dela Cruz, James Garlando, Marlowe Concepcion, Roeder Camañag, at si Nazer Salcedo.

Kabilang sa ‘SET D‘ ng mga dula, Mapapanood natin ang “Marawi Musicale” mula ika-27 ng Hunyo hanggang ika-15 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa Tanghalang Aurelio Tolentino o CCP Little Theater.

Para sa karagdagang impormasyon, Maaring tawagan ang CCP Marketing Department sa mga numerong 832-3704 at 832-3706 or magpadala ng e-mail sa CCP Sales and Promotions Division:  ccpsalesandpromo@gmail.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s