CCP announces the production of “Pagbabalik-Tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan”

Huseng Batute (1) smallPara sa paggunita sa ika-86 taon ng kamatayan ni G. Jose Corazon De Jesus o mas kilala bilang ‘Huseng Batute’ ay inilunsad ng Cultural Center of the Philippines (CCP) ang “Pagbabalik-Tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan”, isang produksyon na ipapalabas sa ika-26 ng Mayo taong kasalukuyan. Ito ay gaganapin sa Tanghalang Huseng Batute, ala-una y media ng hapon. Ang palabas ay libre at bukas para sa lahat ng manonood.

Ipinanganak si G. Huseng Batute noong Nobyembre, 22 taong 1894. Ang kanyang mga magulang ay sina Dr. Vicente De Jesus at Gng. Susana Pangilinan. Nakapagsulat si G. Batute sa Taliba newspaper sa loob ng sampung taon. Ilan sa kanyang mga tula ay nailathala sa anim na aklat; Mga Dahong GintoGloriaMga Itinapon ng KapalaranSa Dakong SilanganIlaw sa Kapitbahay, at Maruming Basahan. Nakapagsulat din siya ng mga lyriko para sa ilang mga kanta, karamihan dito ay mga Kundiman o tradisyonal na Filipino love songs. Siya rin ang nagsalin ng “Nuestra Patria” sa tagalog at pinamagatang “Bayan Ko”, at ngayo’y kinokonsiderang pangalawang awiting pambansa.

Huseng Batute (3) smallBukod sa pagsusulat ng mga tula at kanta, ay naging matagumpay at nakilala rin si G. Batute sa larangan ng Balagtasan. Ang Balagtasan ay ipinangalan kay G. Francisco Balagtas, ang sumulat ng ‘Florante at Laura’ at ‘Orosman at Zafira’. Sa larangang ito ay nakatanggap si G. Batute ng maraming parangal at pagkilala tulad noong 1926 at 1929 na tinagurian siya bilang “Hari ng Balagtasan”.

“Ang okasyon at pagkilala kay G. Jose Corazon de Jesus o Huseng Batute ay napakahalaga sapagkat ang kanyang mga gawa ay ehemplo para maitaguyod ang sarili nating kultura at pagkakakilanlan”, ayon kay G. Arsenio J. Lizaso, kasalukuyang presidente at board member ng CCP. “Sa panahong ito ng digital age, layunin naming ipakilala sa mas maraming kabataan ang mga tradisyunal na tula, ang Balagtasan at ang Kundiman kung saan hinango at naging inspirasyon ng mga Spoken words, Rap battles at mga modernong Love songs.” dagdag ni G. Lizaso.

Huseng Batute (5) smallAng “Pagbabalik-Tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan,” ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Provincial Government of Bulacan, Ito ay magkakaroon ng dalawang segment; Una ay ang Forum kung saan tatalakayin ng mga inimbitahang speakers ang mga gawa ni G. Batute at ang relevance nito sa kasalukuyan; at Pangalawa ay ang Pagtatanghal kung saan sampu sa mga gawa ni G. Batute ay isasadula. Ang Governor ng Bulacan na si G. Wilhelmino Sy-Alvarado ay isa sa mga speakers ng nasabing Forum.

Ang mga gawa ni G. Batute na itatanghal ay binubuo ng limang tula kabilang dito ay mga bahagi mula sa kauna-unahang Balagtasan na ginanap sa Instituto de Mujeres sa Tondo, Manila noong April 6, 1924 at limang awitin na siya ang may akda. Ang Philippine Opera Company (POC), rappers Beware at Negatibo, veteran actors John Arcilla, Ronnie Lazaro, Lou Veloso, ventriloquist Ony Carcamo, at traditional mambabalagtas from Bulacan ang ilan sa mga performers sa Pagtatanghal segment.

Ang Multi-awarded writer at performance artist G. Vim Nadera at si Louise O. Lopez ang magsisilbing host.

Para sa karagdagang impormasyon sa “Pagbabalik-Tanaw sa Unang Hari ng Balagtasan” event, maaaring tawagan si Ms. Kimberly Lim sa numero 551-5959, or 0919-3175708, or magpadala ng e-mail sa ccpintertextualdivision@gmail.com

philippine-literature-under-us-colonialism-14-638
Courtesy of lehao.info

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s