Witchcraft, Manipulation, Accusation and Betrayal depicted in Tanghalang Pilipino’s ANG PAG-UUSIG

21463155_947360758763637_1025819016367619472_nSa ikalawang produksyon para sa ika-31st season ng Tanghalang Pilipino ay isinasadula ang Pilipino version ng “The Crucible” na orihinal na isinulat ni Arthur Miller at ito’y pinamagatang “Ang Pag-uusig”. Nakilala ang ‘The Crucible’ nang gawin itong pelikula noong 90’s na pinagbidahan nina Daniel Day Lewis at Winona Ryder.

Sa Direksyon ni G. Dennis Marasigan, Ipinapakita ng ‘Ang Pag-uusig’ ang mga kakaibang kaganapan na nagdudulot ng pangamba at takot sa lipunan. Tampok ang mahuhusay na aktor na muling nagbigay buhay sa mga karakter ni Arthur Miller.

_DSC0005
Marco Viaña as Rev. Parris (c) Photographed by Erickson dela Cruz

Sa dulang ito ay makikilala natin ang iba’t-ibang karakter tulad ni Reverend Samuel Parris na ginampanan ni Marco Viaña. Ministro ng Salem’s church at isa sa mga pinaka-maiimpluwensya sa bayan ng Salem. Mayroon siyang pangamba at iniisip na may iilang tao sa kanilang lugar na nais sirain ang kanyang reputasyon.

Si Betty Parris (portrayed by Blanche Buhia) ay ang anak na dalaga ni Rev. Parris na ilang araw nawalan ng malay at halos hindi makausap pagkatapos makita ng Ama na nagsasayaw sa kakahuyan sa dis oras ng gabi, kasama ang ilang kaibigan at ang pinsan nitong si Abigail Williams.

_DSC0030
Antonette Go as Abigail Williams (c) Photographed by Erickson dela Cruz

Si Abigail Williams (played by Antonette Go) ang pamangkin ni Rev. Parris na mahusay ding mang-impluwensya at siyang pasimuno sa pagsasayaw sa kakahuyan kasama ang mga dalagang kaibigan at pinsang si Betty. Inakusahan nya rin ang ilang kapit-bahay at kakilala na gumagawa ng pang-kukulam. Siya ay namasukang katulong sa tahanan ni John Proctor.

Si John Proctor (played by JV Ibesate) ay isang magsasaka at isa sa mga matatapang na handang harapin ang mga nag-aakusa sa kanya. Ngunit sa kabila ng kanyang katapangan ay may dinadala itong lihim ng kataksilan sa pagitan nila ni Abigail.

_DSC0056
JV Ibesate as John Proctor (c) Photographed by Erickson dela Cruz

Isa ring magsasaka at kasamahan ni John Proctor ay si Giles Corey na ginampanan ni Aldo Vencilao. 

Si Joshua Tayco naman ang gumanap bilang Reverend John Hale, isa ring pastor na nagpapahalaga sa Siyensya at kaalaman bilang sagot sa mga misteryo sa kapaligiran. Kinukumbinsi nya ang mga inaakusahan na umamin sa kanilang kasalanan para makaligtas sa parusang kamatayan.

Sina Ybes Bagadiong at Monique Nellas ay gumanap na mag-asawang Thomas at Ann Putnam. Isa sa mga maiimpluwensya sa Salem dahil sa kanilang kayamanan at mga negosyo. Pinapaniwalaan nilang may mangkukulam nga sa bayan dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng kanilang mga sanggol.

Si Jonathan Tadioan ang gumanap na Deputy Governor Danforth na nagsilbing punong mahistrado sa paglilitis. Kasama nya sina Daniel Gregorio bilang Judge Hathorne at Erick Sindol bilang Ezekiel Cheever, the court clerk.

Ybes Bagadiong, Monique Nellas, Daniel Gregorio and Jonathan Tadioan. 
                (c) Photographed by Erickson dela Cruz

_DSC0062Ang mga aktres naman na sina Lhorvie Nuevo at Rhodora Dayao ay parehong gumanap sa dalawang karakter sa dula. Si Rebecca Nurse, isang matandang babae na kilalang mabait at palasimba ngunit naging biktima ng akusasyon. At si Mary Warren, isang taga-silbi na pumalit kay Abigail sa tahanan ng mga Proctor, ay naging biktima rin ng maling akusasyon at napilitang umamin sa kasalanan. Sila ay parehong ginampanan ni Lhorvie._DSC0078

Si Elizabeth Proctor, ang butihing asawa ni John Proctor at si Tituba, ang misteryosong karakter na nagsagawa ng ritwal na mahika noong gabi na nagsayaw ang mga dalaga sa kakahuyan ay parehong ginampanan ni Rhodora Dayao.

Kasama rin sa dula si Eunice Pacia bilang Mercy Lewis.

Mula sa prestisyoso at malawak na pagtatanghal ng “Aurelio Sedisyoso” ay matutunghayan naman natin ang payak o simpleng dula na naka-sentro sa ilang mahahalagang tao na sumasalamin sa ating lipunan.

 

Mapapanood ang Tanghalang Pilipino’s ANG PAG-UUSIG sa Tanghalang Huseng Batute, Cultural Center of the Philippines (CCP) sa mga natitirang playdates:

October 6, 2017 (Friday) – 8PM
October 7, 2017 (Saturday) – 3PM & 8PM
October 8, 2017 (Sunday) – 3PM
October 13, 2017 (Friday) – 8PM
October 14, 2017 (Saturday) – 3PM & 8PM
October 15, 2017 (Sunday) – 3PM
October 20, 2017 (Friday) – 8PM
October 21, 2017 (Saturday) – 3PM & 8PM
October 22, 2017 (Sunday) – 3PM

 

 

Ang Pag-uusig  Artistic Team

Director/Lighting Designer: Dennis Marasigan
Translator: Jerry Respeto
Set Designer: Ohm David
Costume Designer: James Reyes
Sound Designer: TJ Ramos
Assistant Sound Designer: Keziah Nino
Assistant Sound Designer: Isa Baltazar
Technical Director: Jo Ann Requiestas

 

 

Tickets are available at Ticketworld Online and Outlets with hotline +632 8919999, the CCP Box Office +632 8323704, and the Tanghalang Pilipino office +632 8321125 loc 1620 and +63915 6072275, +63999 8843821.

Ang Pag-Uusig is rated PG-13.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s