Sunsets at Makiling, a Concert by Philippine Philharmonic Orchestra (PPO)

_CSC0068_Noong ika-anim ng Mayo, Taong 2017, Araw ng Sabado ay nagtanghal sa isang konsierto ang Philippine Philharmonic Orchestra, isa sa mga kilala at nangungunang Orchestra sa Pilipinas at ito’y ginanap sa Tanghalang Maria Makiling, tinaguriang “National Arts Center” sa Los Baños, Laguna.
Inorganisa ng “Cultural Center of the Philippines”, “Filipinas Opera Society Foundation, Inc.” at ng “Imelda Ongsiako-Cojuangco Memorial Opera Concerts”. Ang konsierto ay pinamagatang “PPO SUNSETS AT MAKILING” Sa Direksyon ni G. Andrew Fernando na siya ring nagsilbing Vocal Coach, at sa pambihirang pagkakataon ay nakasaksi ang mga manonood ng pagtatanghal habang papalubog ang Araw. Makikita sa mga Larawan ang kamangha-manghang tagpong ito.

_DSC0304_
Philippine Philharmonic Orchestra, Conducted by PPO Associate Conductor Herminigildo Ranera. Photographed by Erickson dela Cruz

Ilan sa mga piyesa na tinugtog ng PPO ay mula sa mga Opera tulad ng Carmen (Bizet), Libiamo ne lieti calici mula sa La Travista (Verdi), Overture mula sa William Tell (Rossini), Intermezzo mula sa Cavalleria Rusticana (Mascagni), Nessun Dorma mula sa Turandot (Puccini) at ang “Kay Tamis ng Buhay” mula sa Noli Me Tangere Opera (F. P. de Leon). Pinangasiwaan ni G. Herminigildo Ranera (PPO Associate Conductor).
Kasama ang ilang kabataan na kilala na sa larangan Opera Music, ito ay sina Nerissa De Juan (Soprano), Ma. Krissan Manikan (Mezzo Soprano), Lorenz Lapresca (Tenor) at sina Belford Mabunga at Joseleo Logdat (Baritones).

Ang Tanghalang Maria Makiling ay matatagpuan sa gilid ng Bundok Makiling at nasasakupan ng Los Baños, lalawigan ng Laguna. Isang istraktura na nahahawig sa mga pyramids ng Egypt ay bahagyang nakabukas at kayang umukopa ng mahigit isang libong katao upang masaksihan ang anumang pagtatanghal.

ABOUT THE AUTHOR

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s